Monday, September 26, 2005

epidemia!

Tanghali, pagkadating sa ctc314 at humarap sa PC
ang bumati sa akin, isang line error ng isang .exe na ngayon ko lang nakita.
pagkatapos, lumabas ang pamilyar na dialogue box ukol sa isang LSA Shell...

haay naku, heto na naman tayo...

matapos ang ilang saglit, lumabas na ang inaasahang dialogue box
na ang sabi, "Windows will shut down in 00:-- seconds"

wala

wala ka nang magawa... titignan mo na lang na mamatay ang PC mo.

at shempre, nung napansin ko, nagtinginan kami sa iba pang mga PC...
ayun, unahan sila sa shutdown sequence [hahaha!]

akala ko, sa akin lang, yung pala, sa buong lab.
at nung hapon, pati sa faculty sa karating silid namin.
nung 4:30pm, aba, sa buong CTC daw! [hahaha!!!!]

kung saan man galing ang virus na yun, ewan ko na lang...
ang tindi!

ang araw na ito ay umikot sa pagsasalba ng mga files
at paglalagay ng bagong OS sa PC


haay...

No comments: