Monday, January 09, 2006

mga 'sana' ngayong gabi, habang pauwi

una,
sana hindi mo na sinimulan kung wala ka namang balak sabihin lahat
sana, sa minsang nagtanong ako ng mga ganung tanong, sinasagot

kasi
sana lang, maisip mo na nung ikaw ang nagtanong ng mga ganyan, sinagot ko agad...
at nag-aalala sa tuwing hindi ko masagot agad dahil nagmamaneho ako o kung anu man.

sana rin hindi ko na tinago sa sarili ko na naiilang na ako nung ayaw mong sagutin yung tanong.

edi
sana, hindi pa ikaw ang naunang mag-walk-out kahit nung mga oras na iyon, pinipigilan ko ang sarili kong umalis at kalimutan na lang yung nangyari...

sana yung mga ganitong bagay, hindi nilalagay sa blog noh? hahahahahaha!!!