Wednesday, May 11, 2005

Ulan

Lunes ng gabi, nakayupyop ako sa lamesa at taimtim na pinagninilayan ang isang linya sa bibliya, kasabay ang ilang pagmumuni sa nagdaang araw at ilang nangyari noong nakaraang mga araw. Isang magandang pagpapaalala sa akin na gumising sa katamarang kinalulugmukan. Nabanggit ni Pablo kay Timoteo ang pagpapaalala sa pagpapalang tinggap natin mula sa Espiritu: lakas, pagmamahal at pagtitimpi sa sarili.

Matapos ang pagninilay, may ilang kulog at kidlat at sumunod ang ilang mga patak. Parating na ang ulan na matagal ko nang hinihintay.

Nakatutuwa...

Marahil, ako lang ang nabigay-kahulugan sa pangyayari.
Sa buhos ng ulan, ng tubig, tila isa itong pagbabasbas. Isang mensahe na manalig at mabuhayan ng loob muli upang haraping maligaya ang bawat bukas na parating.
Isang sagot sa ipinalanging hiling (mula sa huling lathala).

Binasbasan ako sa tubig,
at pinaalalang binasbasan ako sa apoy ni Hesus, tulad ni Timoteo.

Sinalubong ko ang hangin, ang ulan, ang lamig...

matamis,

maligaya... :)

No comments: