Monday, April 18, 2005

isang umaga

isang umaga, nagising ako sa kalabog ng pinto sa baba...
pagbaba ko, walang tao.
hinayaan ko lang.
ginawa ko ang lang ang lagi kong ginagawa sa bahay tuwing umaga...
maghahanda ng agahan, magtitimpla ng tsokolate...
sa kalagitaan ng paghahanda ng pagkain, may dumating na isang tao.

nagsisisigaw

galit

nakakasira ng payapang umaga.

humupa ang ingay.
tuloy lang ako sa paghahanda ng pagkain na tila walang narinig

may sunod na taong dumating.
kumatok
ngunit hindi ko pa rin pinansin
hindi naman kasi para sa akin.

nag-usap ang dalawa

nagsisigaw ang nauna
habang malumanay at nahihiyang makipag-usap ang isa.

umulan ng sumbat at pangungutya sa hapag-kainan.

at ako...

nasa kalagitaan ng lahat.
naghahanda ng agahan
tila walang naririnig...

matapos ang ingay
matapos ang sigaw
matapos ang pangungutya at murahan

malapit nang matapos ang hinahanda ko pagkain.

ngunit

and tila walang narinig na sarili ay hindi napigil makarinig

mapaisip
mamulatan

ilang araw pa bang ganito ang bubungad sa aking ulirat sa umaga?
ilang araw pa ba ang sigawan, murahan at iringan?

ilang araw pa ba ang kailangan para mahupa ang galit...

para mawala ang pait?

ilang araw pa ba na tatayo ako sa gitna ng lahat na tila walang narinig?

sa pagpahid ng huling palaman
sa paglapat ng huling tinapay

hindi ko napigil ang luha
hindi ko napigil ang hibik
hindi ko napigil na lumaya ang dibdib
sa bigat ng bawat salita
ng galit at pait.

wala akong magawa

hindi ko napigilan ang aking bibig na magsalita
lumaya ng kahit sandali...

hindi ko napigilang sabihing,

"mahihirapan na ako sa iyo [daddy]"

5 comments:

Rolls said...

isang tapik sa balikat lang ang kaya kong ibigay pare...
at tengang makikinig kung gusto mo...

chi said...

hey.... o, kape uli tayo? tulad ng dati?

clatot said...

uy, ok ka pa ba?

Elize Mignonette said...

aaaahhhhhhh...guil...kaya mo yan! pero pag hindi na talaga andito lang ako.

mikepogi said...

haay... ganyan tlga ang life... complicated. kaya mo yan mehn. wer hir 4 u if ever, whenever, wherever, whatever. hehehe.