ayan, magagalit na naman si Chi nito, kasi nagpupuyat ako... haay, nocturnal being eh... "panggabi" [nahkoh! pangit ata pakinggan... hahaha! jk]
One time Big time post na... wala eh, minsan lang ako nakakapag-net ng matino.
Fullmetal Alchemist:
tapus ko na yung 51 episodes!
langya nga eh, nauna ako sa kuya ko manood by 32 episodes, tas, nung isang hapon, sinimulan niya, ayun! marathon! naunahan pa ako! akalain mo!
may OAV clincher pa raw sabi ni Pitt... sana mapanood ko na...
tapos, Naruto naman!!! joke! that's enough Anime muna... must read books ulit.
Umaga:
dahil sa pagtapos ng Fullmetal Alchemist, napanood ko ang pagbungad ng umaga
GANDA! thank you Lord! :)
kaka-inlab! SAYA!
Doctorate sa Grades:
So sad. after the ANI finals, ayan, sa math class ko, 9 and hindi umabot ng 60%
pagkatapos ilang trial and error method ng pagtataas ng HPS sa high components, at pagbaba sa low ng kanilang mga grades, kasabay ng ilang mga "times 2", "plus 1, divided by 2, plus 5" at kung anu-ano pang ginawa sa xls file, ayun, 2 na lang ang hindi umabot sa 60%
tas yung dalawa, mga nasa 58.89 at 59.14 [as I can remember it]
sa delibs committee ng Principal na sila sinalba...
sad nga lang, kasi sa homeroom class ko, may isang hindi mamartsa sa ANI Grad :(
at ang homeroom teachers ang inatasang magsabi nun sa kanila :(
but all hope is not lost for them. sana maramdaman nila yun. na after ANI, may pagkakataon silang bumawi sa pasukan ;)
ANI Pizza day:
last day yun ng finals nila. last day din ng mentoring... ayun, lahat ng teachers at mentor, sabay-sabay nanlibre... ng pizza!!! hahahaha!!!
kukulit ng ilang mga 4N kids ko nun!
Bisaya Accent:
dahil sa review, kapag ECE related stuff o mga jokes at kwento tungkol sa review, nadadala ko ang bisaya accent ng mga reviewers... hahahah! funny, pero cute din naman gayahin... haay...
thus, the title...
dami pa yan. may inginers, esher [easier], corb [curve], pinis [pennies], igs, atbp...
gusto ko matututo ng bisaya.
saan at kailan kaya pwede magpatapon sa bisaya speaking part ng pilipinas?
Drama:
haay, dami rin drama this week...
gravy!
chikahin niyo na lang ako kung makita ninyo ako.
di ko na ilalagay sa Blog ;)
Gastos:
naku, napapansin ko, panay ang labas at kain ko sa labas. eh wala naman akong sweldo at sapat na baon... ayan, funds are thinning away...
pero lalabas pa rin ako mamaya... hihihi. kaya pa naman
Things to Look forward too:
ayun, tapos na yung bday dinner ni Pitt
meet Grace and some Gabay peeps naman...
some remaining ANI activities...
at shemps, ehem... ayun... hihihi
anu pa ba?
haay... aalis si Chi next weekend :(
may nag-aaya ng lakad though. kung maayos nina Chiara, 4Sum-GB gimik.
kailangang matuloy siguro. hindi kasi sila nakapag-beach dahil daming hindi pwede.
sana hindi ako maging hadlang sa gimik na inaayos nila ngayon...
miss na rin namin mag-bonding. huling bonding, yung pyrolympics nung Dec! tagal na nun!
ayun, haba na... next time ulit. meme na ako...
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
1 comment:
NAHKOH may gimik ka pala next weekend! hmpf. BE GOOD.
tsaka, anung drama ha?! ikaw kasi.
Post a Comment